-- Advertisements --

May hawak na umanong bagong testigo si Sen. Bong Go ukol sa good conduct time allowance (GCTA) for sale at hospital pass for sale sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Sen. Go, kilalang personalidad ang witness na mismong nakakita ng mga iligal na aktibidad, partikular na ang drug transactions sa ospital ng national penitentiary.

Pero hindi muna ito pinangalanan ng mambabatas para hindi raw ma-preempt ang magiging salaysay sa pagharap bukas sa ipagpapatuloy na hearing ukol sa mga katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor).

Panukala ni Go kay Pangulong Rodrigo Duterte, “killer” na lang ang italagang pinuno ng BuCor para matapos na ang problema sa nasabing jail facility.

Una rito, personal na binisita ng senador ang NBP para makausap ang ilang opisyal at inmate doon.