-- Advertisements --

Inilabas na ng Holy See Press Office ang mga detalye para sa libing ni Pope Francis sa araw ng Sabado, Abril 26.

Tulad ng nakasaad sa huling kahilingan ng namayapang Santo Papa, ililibing siya sa Papal Basilica of St. Mary Major.

Pangungunahan ni His Eminence Cardinal Kevin Joseph Farrell na nagsisilbing Camerlengo ng Holy Roman Church, ang funeral rites para sa paglilibing sa Santo Papa.

Ilang matataas na cardinal ang inaasahang dadalo sa libing, tulad nina Cardinal Giovanni Battista Re, ang Dean ng College of Cardinals; Cardinal Roger Michael Mahony, ang Cardinal Presbyter; Cardinal Dominique Mamberti, ang Cardinal Protodeacon; dating Secretary of State Cardinal Pietro Parolin, atbpa.

Pinapadalo rin sa libing ang lahat ng Secretaries ng Holy Father.

Sa araw ng libing, magsasagawa muna ng isang funeral Holy Mass bago dalhin ang mga labi ng namayapang Santo Papa sa huling hantungan.

Bagaman anim na araw lamang mula noong namayapa ang Santo Papa hanggang sa tuluyan siyang ililibing sa araw ng Sabado, susundin pa rin ng simbahan ang siyam na magkakasunod na araw ng pagluluksa. Bawat araw ay magkakaroon ng misa para sa namayapang Santo Papa.

Magiging bukas naman sa publiko ang bawat Eucharistic celebration.