Dinagdagan ng Seoul Western District Court ang detention ni impeached President Yoon Suk Yeol sa pangamba na baka sirain nito ang mga ebidensya laban sa kaniya na may kaugnayan sa pagdedeklara nito ng martial law noong Disyembre 2024.
Ikinagalit naman ito ng daan-daang mga supporters ng dating presidente at nagiwan ng mga sirang bintana at sirang mga pintuan sa building ng korte na siyang tumambad sa mga otoridad pagkatapos ng ilang oras na paganunsyo ng extended detention ni Yoon.
Daan-daang pulis naman ang agad na umaksyon sa naging protesta na ito ng mga supporters ng dating presidente na nagsabing isang ‘unfolding situation’ ang naging pagatake ng mga ito sa korte.
Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Seoul Western District Court si Yoon na mananatili pa sa pasilidad ng karagdagang 20 araw.
Samantala, ayon naman sa abogado ni Yoon na si Atty. Seok Dong-hyeon, hindi aniya ito ang nais at hinihingi ng dating opisyal.
Nagpaalala din ang abogado sa mga tagasuporta ni Yoon na huwag na palalain ang sitwasyon dahil maaari ito aniyang makaapekto sa mga future trials ng napatalsik na presidente.