-- Advertisements --

Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) na ang ginagamit ngayong detention room ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ay ang dating kulongan ni dating Senador Leila De Lima sa Camp Crame.

Ayon kay PNP spokesperson Pcol. Jean Fajardo mas niliitan lang ito dahil may gumagamit na ng isang parte ng kwarto. Ang silid ay may isang banyo, higaan at isang ceiling fan.

Pabalik na ngayon sa crame ang coaster ng PNP na sakay si Guo mula sa Capaz, Tarlac RTC matapos itong hindi magpyansa sa kasong nakasampa sa kaniya.

Ayon sa PNP, mananatili si Guo sa kustodiya nila hanggat hindi naglalabas ng commitment order ang nasabing korte na ilipat siya ng detention facility.

Ipinaliwanag ni Fajardo na mas uunahin ang arrest warrant na isinampa ng korte kesa Senado. Sakaling magkaroon ng hearing ang Senado, kinakailangang nitong magsumite ng request sa korte na papadaluhin nila ang dismissed Mayor sa pagdinig.