-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ang pagka-determinado at may mataas na pangarap sa buhay ang syang nag-udyok kay Philippine Military Academy Cadet 1st Lt. Elvin John Oyo-a na pasukin ang PMA kungsaan nagtapos itong 8th placer sa mga graduates ng ‘Bagong Sibol sa Kinabukasan Didigma Hanggang sa Wakas’ o BAGSIK DIWA Class of 2022.

Ito ang inihayag ni Boboy Oyo-a, ama ng nasabing kadete sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan mula mismo sa kanilang tahanan sa Purok Galaxy, Brgy. Banza ntoing lungsod.

Ayon kay Boboy, hindi nila alam na nag-take na pala ng PMA entrance exam ang kanyang anak sa Agusan National High School.

Dumating ang panahong kailangan ng magpunta ng Maynila ni Elvin John para sa physical exam kungsaan pumasa siya kung kaya’t nakapasok ito sa akademya.

Aminado ang ama na malaking karangalan para sa kanilang pamilya ang na-abot ng kanyang anak lalo na’t nagtapos ito bilang pangwalo sa Top 10 ng mga BAGSIK DIWA Class of 2022 graduates ngayong taon.