-- Advertisements --

Nakatikim ulit ng pagkatalo ang Detroit Piston matapos tambakan ng 23 puntos ng Houston Rockets, 136-113.

Pinangunahan ng dalawang bagitong player na sina Alperen Sengun na may 26 points 9 assists at 4 rebounds habang 22 points 5 rebounds naman ang kinamada ni Jalen Green para sa Rockets.

Gumawa ng 21 points ang isa sa beterano ng koponan na si Alec Burks habang 19 points ang naambag ni Jaden Ivey para sa panig ng Pistons.

Matatandaang nanalo ang Detroit kontra sa Toronto Raptors noong Disyembre 1 na naging dahilan upang matapos ang ika-dalawampu’t walong sunod na pagkatalo.

Hawak na ng Detroit Pistons ang NBA record na 28 na sunod-sunod na pagkatalo.

Ito ang pinakamahabang serye ng pagkatalo na naitala ng isang NBA team sa kasaysayan ng naturang liga.

Ang buong rooster ng Pistons ngayong taon ay binubuo ng mga batang players na may average age na 25.