Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang southern Peru ngayong araw ng Biyernes.
May lalim na 28 kilometers o 17 miles ang pagyanig ayon sa US Geological Survey (USGC).
Ibinabala naman ng Pacific Tsunami Warning Center ang posibleng tsunami waves na tinatayang may taas na 1 hanggang 3 metro sa mga baybayin sa Peru.
Kaugnay nito, nag-isyu na rin ang Geophysical Institute ng Peru ng tsunami alert, nangangahulugan na dapat i-activate ng mga awtoridad ang mga protocol para seguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan dahil sa posibleng tsunami.
Tumama ang lindol 8 kilometers sa kanlurang bahagi ng Atiquipa at 600 kilometers mula sa timog ng kabisera ng Peru.
Sa ngayon, nagsasagawa pa ng assessment ang mga awtoridad sa pinsala sa mga struktura at kung may nasugatan o nasawi sa malakas na pagyanig.