-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Los Angeles Clippers na makakahanap din sila ng mas mainam na game plan sa Game 2 ng Western Conference finals upang ma-neutralize ang diskarte ng Phoenix Suns.

Ayon kay Clippers star Paul George, ibang klaseng hamon ang kanilang kinakakaharap kumpara sa nakalipas nilang kalaban na Mavs at Jazz.

Devin Booker Phoenix suns
Phoenix Suns star Devin Booker (photo from @Suns)

Pero tulad daw ng nakagawian nila kahit daw abanse sa serye ang kalabang team, kaya naman daw nilang makahabol.

Sinabi pa ni Geoge ibang kalidad na team ang Phoenix, pero ang Game 1 umano ay magsisilbing adjustment period nila.

Para naman kay Clippers point guard Reggie Jackson, ang pagkakaiba raw sa Phoenix star na si Devin Booker, na nagtala ng 40 points at triple double performance ay napakahirap nitong bantayan.

Tinawag pa niya itong “complete package.”

Sa ngayon wala pang kasiguraduhan kung kelan makakabalik sa game ang two-time NBA Finals MVP na si Kawli Leonard dahil sa injury.

Ang Game 2 ay gagawin sa Miyerkules sa teritoryo ng Phoenix.