Nasa 13 ang bagong napaulat na mga Pilipino sa ibang bansa na gumaling na sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 6, umakyat na sa 2,225 ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit.
Nasa 5,369 naman ang mga nagpositibo sa COVID-19 na Pinoy mula sa 49 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,781 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang mga ospital.
Samantala, dalawa ang pumanaw pa, kaya naman 363 na ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Pilipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,349 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 838 confirmed COVID-19 positive cases na overseas Filipinos.
Nasa 657 naman ang kaso sa Americas at 521 sa Asia Pacific Region.