-- Advertisements --

MANILA – Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 habang nasa ibang bansa.

Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, June 5, aabot na sa 19,878 ang total COVID-19 cases ng mga Pilipino abroad.

Pero 4,502 lang daw sa mga ito ang beripikado ng International Health Regulation ng Department of Health.

Mula sa total cases, nasa 6,628 pa ang nagpapagaling.

Nadagdagan naman ng tatlo ang total recoveries na nasa 12,056 na.

Wala namang naitalang bagong namatay kaya nananatili sa 1,194 ang total deaths.

Ayon sa DFA, matatagpuan sa 94 bansa at mga teritoryo ang Pinoy COVID-19 cases.

Pinakamaraming tinamaan ng sakit sa Middle East/Africa region na nasa 11,350.

Sumunod ang Asia-Pacific region na nasa 4,022; Europe na may 3,522 cases; at Americas na nasa 984.