-- Advertisements --
dfa latest covid tally pinoys abroad

Karagdagang 29 ang panibagong napaulat na mga Pilipino sa ibang bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Mayo 27, pumalo na sa 2,664 ang mga Pinoy na kumpirmadong positibo sa COVID-19 mula sa 47 na bansa at rehiyon.

Sa naturang bilang, 1,400 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang mga ospital.

Lumobo naman sa 930 ang bilang ng mga overseas Filipinos na nakarekober sa nakahahawang sakit matapos madagdagan ng 25.

Samantala, umabot naman sa 334 ang bilang ng Pinoy sa abroad na pumanaw dahil sa deadly virus makaraang madagdagan ng apat.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na mga overseas Filipinos sa bahagi ng Europa na may 801 na kaso.

Pumapangalawa rito ang Middle East/Africa na may 757 kaso, na sinundan ng Americas na may 633 kaso, at 473 sa Asia Pacific Region.