-- Advertisements --
Nag-abiso ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) na pansamantala muna nilang isasara ang kanilang Office of Consular Affairs na nasa Aseana sa lungsod ng Parañaque, gayundin ang Consular Office na nasa NCR-West sa Manila.
Ang pansamantalang pagpapasara ay bukas Martes, July 21, para sa gagawing disinfection at iba pang pagsasagawa ng COVID-19 preventive measures.
Ayon sa DFA ang mga applicants na may naunang schedule ay maaaring bumalik na lamang sa Miyerkules, Hulyo 22.