-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Qin Gang ang isinagawang bilateral talks, kung saan naka sentro sa pagpapaigitng ng relasyon ng dalawang bansa ang nasabing pulong.

Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, layon ng nasabing bilateral talks na pag-usapan ang mga kasunduan ng Pilipinas at China sa state visit ni Pangulong Marcos sa naturang bansa.

Isa na nga rito ang mga benificial cooperations partikular sa sektor ng enerhiya, agrikultura at iba pang bilateral cooperation ng dalawang bansa.

Ayon naman kay Chinese Foreign Minister Qin Gang, nais nilang paigtingin ang relasyon nila sa ating bansa at mabigyang linaw ang mga kontrobersiyal na usapin kaugnay sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Gang na umaasa ang China na sa kabila ng mga insidente sa West Philippine Sea ay hindi maisatantabi ang maayos at malalim na pagkakaibigan ng Pilipinas at China.

Nagpasalamat si Gang sa naging mainit na pagtangap ng Pilipinas sa kanilang padalo sa naturang bilateral talks.