CAUAYAN CITY – Nagpadala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng rapid reaction team sa Libya upang mag-asikaso na sa pag-uwi ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ngayon at nakataas na sa alert level 4 sa Libya ay umiiral na ang mandatory forced repatriation.
Nakikiusap na sila sa mga OFW na magtungo na sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli dahil sa lumalala na ang civil war sa Libya.
Bukod sa rapid reaction team ng DFA ay nagpadala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng augmentation team upang mag-asikaso sa pag-uwi na ng mga manggagawa Pinoy sa Libya.
Samantala, mahigit 40 OFWs mula sa Libya na tinulungan ng pamahalaan ang nakauwi na sa bansa.