-- Advertisements --
Aalamin ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may katotohanan ang napaulat na pagsasagawa ng military exercise ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, nais muna nilang malaman kung ano ang dahilan ng pagsasagawa ng nasabing iligal na maritime exercise.
Sakaling makumpirma aniya ang nasabing ulat ay ipaparating niya ito sa mga opisyal ng China.
Ilan sa mga hakbang na maaaring gawin aniya ng bansa ay ang paghain ng diplomatic protest.