-- Advertisements --

Muli na namang napalagpas ng gobyerno ang alok na 50 milyon syringes para COVID-19 vaccines mula sa US.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr na napag-usapan nila sa US ang mga kakailanganin at pumayag naman sila na magsuplay ng nasabing mga syringes subalit ito ay tinanggihan umano ng ahensiya ng gobyerno.

Isinaad pa ng kalihim na tila naulit ang nasabing nangyari noon na magsuplay sana ang US ng mga bakuna mula sa Pfizer at Moderna.

Noong Disyembre 2020 kasi ay sinabi ni Locsin na nasayang ang tsansa na makakuha ng 10- milyon doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer dahil may isang tao aniya ang bumitiw sa usapin.

Magugunitang ibinunyag noon ni Senator Panfilo Lacson na noong Enero pa sa na ay mayroon ng COVID-19 vaccine ang gobyerno subalit ito ay napabayaan.

Depensa naman ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang nagkaroon lamang ng problema sa protocols ukol sa pirmahan ng mga Confidential Disclosure Agreement (CDA).