Binigyang diin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kahalagahan ng mga international laws sa pagsasagawa ng ng mga maritime activities lalo na sa pagresolba ng mga isyu na kinakaharap ng bansa lalo na pagdating sa mga usapin ng territorial disputes.
Sa paunang pahayag ni DFA Secretary Enrique Manalo, sa pamamagitan ng mga international laws na siyang umiiral sa ibang mga nasyon at maging sa buong mundo, ang mga middle powered country gaya ng Pilipinas ay magkakaroon ng fair chance na maresolba sa isang mapayapang paraan ang mga isyu na kinakaharap nito lalo na sa mga usaping teritoryal
Sa pamamagitan din aniya ng mga international laws, nabibigyan ng pantay na pagtingin ang mga bansa sa ilalim ng mga batas na ito, gaano man kalaki o kaliit ang isang nasyon at kung gaano man ito mapakangyarihan. Mas mabibigyang proteksyon rin ng mga umiiral na mga batas ang mga karapatan, soberanya at maging ang hurisdiksyon ng mga nasyon.
Ibinahagi rin ng kalihim ang patuloy na nararanasan ng mga Pilipino na panghaharass at hindi pagbibigay daan sa hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda ng bansang China sa loob West Philippine Sea (WPS) na siyang bahagi ng excusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas na siyang itinuturing na iligal na mga presensiya.
Ani Manalo, patuloy na kinokontra ng China ang mga batas at pagkilala sa 2016 Arbitral Tribunal na nagsasaad na ang inaangkin nilang mga teritoryo ay tunay na bahagi ng EEZ ng Pilipinas.
Pagtitiyak ni Manalo, hindi mtitinag ang mga maritime activities ng Pilipinas para masiguro na maninindigan ang mga Pilipino at patuloy na hahamunin ang China sa mga illegal presence na patuloy nitong ikinakasa sa katubigan ng WPS.
Samantala, patuloy din aniyang palalakasin ng mga Navy Forces ang kanilang pagbabantay at pagiingat sa soberaniya, karapatan at mismong sa teritoryo ng bansa.