Todo papuri si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kontrobersyal na “white sand” dolomite beach sa Manila Bay.
Kaninang umaga kasi ay bumisita si Locsin sa lugar kasama ang ilang mga opisyal ng US Embassy.
Ayon kay Locsin, nabighani raw ito sa ganda ng proyekto at tinawag pa na “pure genius” ang ideyang ito ni Environment Secretary Roy Cimatu.
“We filled in moat of US embassy to keep threats at Bay—get it? Will fix that. I was stunned by the beauty and vast possibility for tourism of Cimatu’s idea of a white sand beach from end to end,” saad ni Locsin sa isang tweet.
Paglalahad pa ng kalihim, nagtungo sila sa lugar upang ayusin ang ilang mga detalye tungkol sa seguridad ng embahada.
Dahil aniya tinambakan na ito ng buhangin, inihayag ng opisyal na magdadagdag daw ang US Embassy ng security features sa naturang parte.
Sinabi pa ni Locsin, hindi raw tutol ang mga embassy officials sa proyekto.