Inatasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang mga ambassador sa Gitnang Silangan na ibasura ang pardon para sa mga Pilipinong drug dealers sa Middle East.
Sa isang social media post, sinabi ni Locsin na nagbaba siya ng kautusan na huwag nang isama ang mga drug dealers sa mga prisoner exchange o pagpapalit ng mga bilanggo.
“My orders to my ambassadors there is exclude drug dealers from prisoner exchanges. You destroy my people I will…let the law abroad destroy you. Unlike in Indonesia, these dealers were not fooled,” saad ni Locsin.
Ayon kay Locsin, mayroon daw itong hinala na may koneksyon ang mga ito sa lokal na kalakalan ng iligal na droga.
Mula noong 2011, limang Pinoy drug couriers ay napatawan ng pagkamatay sa China.
Habang noong 2010, nadakip sa Yogyakarta airport sa Indonesia si Mary Jane Veloso, na may dalang 2.6 kilo ng heroin.
Nanindigan si Veloso na wala siyang ideya na may droga sa kaniyang bagahe at itinuro ang kaniyang recuiter na Pinoy na nagpadala ng bagaheng may kontrabando.
Mahigpit na ipinagbabawal ng Middle East, Indonesia, at China ang anumang krimen na may kinalaman sa droga na may kaparusahang kamatayan.