-- Advertisements --

Sinibak ang isang consular staff ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa hindi pagbibigay respeto sa isang differently-abled local broadsheet reporter.

Sinabi ni DFA Asssistant Secretary Elmer Cato, na tinanggal na nila ang nasabing empleyado.

Nauna rito inireklamo ni Manila Standard reporter Macon Ramos-Araneta na kinikuwestiyon ng empleyado ng DFA ang kaniyang polio disability.

Sa paglalahad ni Araneta na hinahanapan pa siya ng nabanggit na empleyado ng ID para mapatunayan na ang kaniyang disability ay bunsod ng sakit nitong polio kung saan ipinakita pa nito ang kaniyang paa para ito ay mapatunayan.