-- Advertisements --

Ginagawa na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng makakaya nito para hingin ang pardon para sa 13 Pinay surrogates mothers na ikinulong sa Cambodia.

Ayon sa DFA, ito ay isang whole-of-government approach at maraming mga ahensiya ang katuwang sa naturang hakbang.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh sa Cambodian authorities kaugnay sa naturang usapin.

Una rito, base sa statement mula sa kandal court, ang 13 Pinay ay kabilang sa 24 na dayuhang kababaihan na nahuli ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre at kinasuhan ng attempted cross-border human trafficking.

Ayon sa korte, may matibay na ebidensiya na may intensiyon ang 13 na magkaroon ng mga anak para ibenta sa ibang indibidwal kapalit ng pera na isa aniyang gawain ng human trafficking.