Binigyang linaw ng Department of Foreign Affairs ang posibleng pagpapatupad ng deployment ban sa bansang Kuwait.
Inihayag mismo ni Undersecretary Eduardo De Vega ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi nila ieendorso ang pagkakaroon ng ban sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa.
Giit niya, dapat pag-aralan muna itong mabuti at kung ipapatupad man, mainam na siguraduhin ang lahat.
Ani pa niya, hindi maganda kung ito’y babawiin din kaagad kalaunan matapos ang implementasyon.
Dahil dito, ipinaliwanag ni Undersecretary Eduardo De Vega ng Department of Foreign Affairs na ang pinupunto nila ay ang pagkakaroon ng permanentong solusyon kaysa pandalian lamang.
Samantala, nilinaw naman niya na ang hindi pag-endorso sa pagkakaroon ng ban ay hindi nangangahulugang pinabayaan na nila ang kaso ng mga namatay na OFW.
Ngunit isinaad niya na sila’y nakikidalamhati pa rin sapagkat sila’y mga kababayan pa rin aniya.