-- Advertisements --
DFA Sec. Teddyboy Locsin
DFA Sec Locsin

Hindi tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr ang paghingi ng paumanhin ng may-ari ng Chinese fishing boat na sangkot sa pagbangga ng mga bangka ng mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Dagdag pa ng kalihim na dapat diretsa silang humingi ng paumanhin sa mga nabiktimang mangingisda.

Laman ng memorandum na ipinadala sa DFA, ng may-ari ng Chinese vessel na Chen Shiqin na ang insidente noong Hunyo 9 ay aksidente lamang.

Nauna rito kuntento at tinanggap naman ng Palasyo ang paghingi ito ng paumanhin ng Chinese fishing vessel.