Nakipag-ugnayan ang Philippine Department of Foreign Affairs sa Iran upang suriin ang kalagayan ng mga Pinoy seafarers na sakay ng oil tanker na kannilang binihag.
Ayon kay Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vera, ipinadala ng Departamento sa mga awtoridad ng Iran ang alalahanin sa kapakanan at kaligtasan ng 18 crewmen.
Sa ngayon, naghihintay pa ang DFA ng ulat mula sa Embahada sa Iran at sa Iranian Embassy sa Manila.
Pangako ng departamento na gagawin nila ang lahat upang mapalaya ang mga Pinoy na nabihag.
Matatandaang binihag ng Iran ang isang oil tanker na nakadestino sa Turkey, na may sakay na 19 crew, 18 sa kanila ay mga Pilipino.
Sinabi ng Iran na ang pag-agaw sa barkong St. Nikolas na may bandila ng Marshall Islands ay bilang tugon sa pagkumpiska ng US sa parehong sasakyang-dagat at langis nito noong nakaraang taon sa isang sanction enforcement operation nang ito ay naglayag sa ilalim ng ibang pangalan.