Muling iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr na pag-aari pa rin ng Pilipinas ang West Philippine Sea.
Ito ay kahit na patuloy ang pagtatayo ng mga istraktura ang China sa nasabing lugar.
Ayon sa kalihim na ang mga istraktura ay sakop pa rin ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa kaya malinaw na ito ay pag-aari ng Pilipinas.
Reaksyon ito ni Locsin sa pagkakatuklas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may mga istraktura ng ipinatayo ang China noong sila ay nagpatrolya sa West Philippine Sea.
Magugunitang naghain ang Pilipinas ng kaso sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague na kumukuwestiyon sa pag-sakop ng China sa West Philippine Sea at noong 2016 ay inilabas na ng korte sa The Hague ang desisyon na pumapabor ito sa Pilipinas.