-- Advertisements --
Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapaliban ng pre-enrollment period para sa online voting and counting system (OVCS).
Ayon sa DFA, ang desisyon ng poll body ay patunay ng kanilang pangako na pangalagaan ang integridad ng halalan overseas.
Sa halip kasi na March 10, naurong ang schedule sa March 20 upang masiguro ang maayos na proseso ng paunang pagpapatupad ng OVCS.
Ayon pa sa DFA, handang ipatupad ang OVCS sa direskyon ng Comelec at mananatiling tapat na tugunan ang mandato na pangasiwaan ang boto sa mga registered Filipino overseas voters.
Nakatakda ang overseas voting sa April 13 hanggang May 12.