-- Advertisements --
Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang walang naiulat na Filipino na nadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa nitong nakalipas na araw.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon mula ng magsimulang tumanggap ang DFA ng mga ulat ng mga nadadapuan ng sakit sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Umabot na kasi sa 2,178 ang nagpositibo sa coronavirus kung saan mayroong 253 na Filipino na ang nasawi.
Tiniyak naman ng DFA ang mahigpit na pakikipag-ugnayan nila sa iba’t-ibang bansa.