Sinang-ayunan at tuluyang in-adopt ng United Nations Human Rights Council (HRC) ang resolution na isinusulong ng Pilipinas para sa promosyon ng kaligtasan ng mga seafarers.
Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang pagsulong ng resolution sa pamamagitan ng Philippine Mission sa Geneva at co-sponsored ng 28 na bansa.
Ito ang aniya ang unang pagkakataon na nagkaroon ng resolution para sa mga seafarers na maipakilala at ma-adopt ng UN HRC.
Sa kabuuang 1.9 milyon na mga seafarers sa buong mundo ay karamihan sa mga dito ay Filipinos.
Layon ng nasabing resolusyon ay para maisulong ang karapatang pantao at kaligtasan ng mga seafarers sa buong mundo.
Maging ang mga babaeng seafarers na kahit binubuo sila ng dalawang porsyento sa mundo ay mahalaga na mabigyan sila ng karampatang respeto.