-- Advertisements --
Inaalam na ng Department of Foreign Affairs kung may Pilipinong nakasakay sa Portugese container ships na MSC ARIES na hinuli malapit sa Strait of Hormuz.
Ayon kasi sa mga ulat, hinuli ng Iranian armed forces ang barko bilang tugon nito sa pag-atake ng Israel sa konsulado ng Iran sa Syria.
Sa pahayag ng DFA, nakikipagtulungan na sila sa Philippine Embassy sa Tehran at sa Department of Migrant Workers para ma-beripika kung may Pilipinong sakay sa barko.