Ikinagalit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paglabas ng resolution ng European Parliament tungkol sa human rights situation ng bansa.
Ayon sa DFA na ang hakbang na ito ng European Parliament ay isang ‘misguided attempt para manghimasok sa halalan ng bansa.
Hindi umano makatarungan at walang basehan ang nasabing resolusyon.
Isinaad kasi sa resolusyon ang ulat mula sa United Nations Joint Program (UNJP) for Human Rights kung saan karamihan aniya dito ay ang extrajudicial killings dahil sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nanawagan na lamang ang DFA kay EU Parliament Vice President Heidi Hautala na patunayan ang impormasyon na nakasaad sa kanilang resolusyon.
Pinayuhan nila ang European Parliamentarians na makinig sa mga respetadong sources kaysa sa mga militant front organizations na nagkukunwaring mga lehitimong civil society organizations.