Pinakikilos na ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs (DFA) para matulungan sa anumang paraan si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Kasunod ito ng pagpigil kay Del Rosario ng bBureau of Immigration sa Hongkong International Airport ngayong umaga.
Sinabi ni Justice Secretary at Officer-in-Charge Menardo Guevarra, hihilingin niya sa DFA na alamin ang buong pangyayari at ibigay ang nararapat na tulong kay Del Rosario.
Gayunman, ayon kay Sec. Guevarra, dapat ay natuto na si Del Rosario at naging malinaw na sa kanya ang unang karanasan sa Hong Kong airport ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Si Del Rosario ay dadalo sana sa ilang mga pulong ng First Pacific kung saan siya tumatayong board member.
Magugunitang sina Del Rosario at Morales ay nagsampa ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y ginagawang pagtataboy ng gobyerno ng China sa ating mga mangingisdang Pilipino sa mga karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.