-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Department of Foreign Affairs ang ulat na nakompromiso ang kanilang email data.
Ito ay matapos na iniulat ng cybersecurity advocacy group na Deep Web Konek na nagkaroon ng data breach sa DFA.
Ayon sa grupo na may isang nagpakilalang “chengyi” ang nagpost sa dark web forum ang nagbebenta ng emails ng Philippine Ministry of Foreign Affairs.
Saad pa ng grupo na noon pang nakaraang buwan ng mapasok nila ang email at ito umano ay nagpapatuloy pa rin.
Sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza na nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya para matugunan ang nasabing usapin.