-- Advertisements --
DFA IMAGE
Department of Foreign Affairs (DFA) head office in Pasay City

Pinagbabawalan muna ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbiyahe o deployment ng mga OFW patungo ng bansang Sudan.

Kasunod ito sa patuloy na nagaganap na kaguluhan sa nasabing bansa.

Sa kasalukuyan kasi ay inilagay na ng DFA sa Alert Level 2 ang status ng deployment ng mga OFW.

Kapag nasa Alert Level 2 o Restriction Phase ay pinag-iingat ang mga Filipino na magtungo sa iba’t ibang bahagi ng isang bansa hanggang hindi pa bumabalik sa normal ang sitwasyon doon.

Para naman sa DOLE maaari lamang payagan ang mga OFWs na makabalik ng Sudan kung may espesyal na konsiderasyon tulad ng pag-iral pa ng kanilang employment contracts.

“Filipinos who remain in the country where Alert Level 2 is in effect are advised to restrict non-essential movements, avoid public places and prepare for evacuation,” bahagi ng DFA advisory.

Una nang iniulat ng Association of Filipinos in Sudan na merong aabot sa 1,800 Filipinos ang nakabasi roon.

Pero may ilang nagsasabi na baka abutin pa sa 5,000 ang mga Pinoy.

Ang Republic of the Sudan o minsan ang tawag ay North Sudan ay nasa bahagi ng Northeast Africa.

SUDAN

Samantala sa mga OFW na nangangailangan ng assistance ayon sa DFA maaari lamang kontakin ang Philippine Honorary Consul in Khartoum sa kanilang hotline na (+249) 183-468717 o kaya sa numero na (+249) 183-468716.

Ang capital city nito na Khartoum ay kung saan nagaganap ang civil unrest.

Ang Sudan ay tinatayang may popolasyon na 40.53 million (2017).