Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas at walang nasaktang mga Pilipino matapos ang inilunsad na strikes ng Israel sa Lebanon kamakailan.
Pagdating naman sa bilang ng mga Pinoy na apektado sa nagpapatuloy at tumataas na tensiyon sa Lebanon, sinabi ni USec. De Vega na may 100 Pilipino ang naninirahan malapit sa border kung saan naglalaban ang Israeli forces at Hezbollah.
Nasa tinatayang isang kilometro aniya ang layo mula sa border ng southern cities ng Tyre, Sidon at Nabatieh kung nasaan ang 100 mga Pilipino base aniya sa pagtaya ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Ayon kay USec. De Vega, nanawagan ang mga ito na mailikas sa ligtas na lugar subalit nakadepende aniya ito sa kanilang mga employer.
May isa ding Pinay medical worker na nakabase malapit sa United Nations Interim Force sa Lebanon subalit protektado naman ito ng UN.