-- Advertisements --
image 368

Iniulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na walang mga Pilipino sa ngayon ang humiling para marepatriate sa kabila ng malawakang pagbaha sa Libya na ikinasawi na ng libu-libong katao.

Ayon pa kay De Vega, wala ding Pilipino ang napaulat na namatay dahil sa kalamidad sa Libya.

Sa kabila nito, bukas pa rin ang embahada na tulungan ang mga Pilipino sa Libya sakaling humiling ang mga ito na ma-repatriate.

Nakikipag-ugnayan din aniya ang PH embassy sa Tripoli sa mga Pilipino na nasa Libya.

-- Advertisement --

Sa mga indibidwal naman na nandito sa PH na may nawawalang pamilya o kamag-anak sa Libya, maaaring makipag-ugnayan sa OFW help page ng DFA upang maidulog nila sa Embada na hanapin ang mga nawawala nilang kamag-anak.

Base sa data ng DFA, nasa kabuuang 1,100 Pilipino ang nasa silangang bahagi ng Libya, kung saan 90 karamihan ay mga nurse, ang iba ay nasa Derna, Umm al-Rizam, al-Bayda, at Tacnis.

Lahat aniya ng mga ito ay nasa ligtas na kalagayan at patuloy ang kanilang pagtratrabaho bilang hospital frontliners.