-- Advertisements --

Nakatakda nang magbalik ang walk-in transactions sa lahat ng Philippine embassy at consulate simula sa Lunes, Marso 21.

Ayon kay DFA (Department of Foreign Affairs) Usec. Brigido Dulay, ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagbabalik ng pre-pandemic o normal operations sa lahat ng embahada at konsulada ng Pilipinas sa buong bansa gaya ng headquarters nito sa Manila.

Samantala, inatasan na rin ang DFA na tumanggap ng aplikasyon para sa refugee status habang inaayos ang kasunduan sa Department of Justice.

Nauna nang sinabi ni Locsin na ilang Afghan refugees ang binigyan ng asylum ng Philippine government ilang linggo matapos na bumagsak ang gobyerno ng Afghanistan sa mga Taliban noong Agosto ng nakalipas na taon.