-- Advertisements --
Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Alert Level 4 sa Ehiopia.
Nagkakaroon kasi ng gulo sa pagitan ng Tigray at ilang mga kalapit na rehiyon nito.
Pinayuhan ng DFA ang mga Filipinos na huwag magtungo sa nasabing bansa dahil sa patuloy na lumalalang kaguluhan.
Habang ang mga Filipino na nandoon na sa Ethiopia ay dapat limitahan na lamang ang kanilang paggalaw o iwasan ang paglabas.
Sa ilalim ng Alert Level 4 ay magsasagawa ang gobyerno ng mandatory evacuations.
Magugunitang sinasakop na ng mga rebeldeng grupo ang malaking bahagi ng Ethiopia kung saan malapit na ang mga ito umano sa capital na Addis Ababa.