Naniniwala ang Department of Foreign Affairs na isang malaking tagumpay kung ituring para sa bilateral relations ng Pilipinas at Indonesia ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa bansa.
Sa naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, nagpapakita lamang aniya ito ng matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at Indonesia.
Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat ni Manalo sa gobyerno ng Indonesia .
Ito ay dahil na rin sa mabilis na tugon at humanitarian action ng naturang bansa.
Nabatid na umabot sa mahigit labing apat na taong napiit si Veloso sa kulungan sa Indonesia matapos itong hatulang guilty sa pagdadala ng iligal na droga sa nasabing bansa.
Bitay ang naging hatol ng Indonesia kay Veloso ngunit binago nito ang desisyon at sa halip ay inilipat na lamang nito ang kustodiya sa Pilipinas.