Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na kinokonsidera nilang maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly upang ilapit ang isyu ng patuloy na panghaharas ng China sa mga bagrko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Nueva Ecija 2nd District Representative Joseph Gilbert Violago na siyang sponsor ng proposed P27.392-billion budget ng naturang ahensya kasabay ng isinagawang deliberasyon sa nasabing pondo.
Ayon kay Violago, ang rekomendasyong ito ay depende pa rin sa sitwasyon at pangangailangan.
Paliwanag ng mambabatas , ang United Nations General Assembly ay isang lugar para sa mga desisyon na may kinalaman sa human development.
Kaugnay nito ay binigyang-diin din ni Violago ang kahalagahan ng mapayapang pag-uusap sa pagtugon sa matagal nang isyu sa pinag-aagawang rehiyon.