Kinondina ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang ginawang pagharang ng tatlong Chinese vessels sa dalawang supply boats ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon sa kalihim, magdadala lamang ang barko ng Pilipinas ng mga pagkain sa mga militar na nakatalaga sa lugar.
Dahil sa pagharang na naganap noong Nobyembre 16 ay napilitang kanselahin nila ang misyon at bumalik na lamang ang dalawang barko ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim, ipaparating nito ang insidente kay Huang Xilian ang Ambassador ng China at sa Ministry of Foreign Affairs.
Mariing iginiit ng DFA na iligal ang ginawa ng China dahil nasa teritoryo sila ng Pilipinas.
Ang nasabing hakbang aniya ng China ay isang panganib na makakasira sa relasyon ng China sa Pilipinas.