Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na natagpuan nang patay ang isang overseas Filipino na unang napaulat na nawala matapos na tumama ang magnitude 7.7 na lindol sa bansang Myanmar.
Sa isang mensahe ay sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega na ang biktima ay si Francis Aragon na positibong kinilala.
Ayon sa ahensya, naipaalam na sa pamilya ng nasawing Pilipino ang sinapit nito at kasalukuyang sitwasyon.
Bilang paggalang aniya sa pamilyang namatayan ay hindi muna sila magpapalabas ng iba pang mga impormasyon hinggil sa sinapit nito.
Tiniyak naman ng DFA na magpapatuloy ang kanilang paghahanap sa mga Pilipino nawawala matapos ang malakas na paglindol.
Una rito ay kinumpirma na rin ng kapatid ng biktima ang impormasyon natagpuan na ang katawan nito.