Niluluto na ngayon ang posibleng military partnership ng Pilipinas at bansang Canada sa ilalim ng Visiting Forces Agreement.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs ngayong araw.
Ayon sa ahensya, ang usaping ito sa pagitan ng dalawang bansa ay mahalaga dahil natapos na rin ang naunang Memorandum of Understanding para sa defense cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Canada noong Enero 9, 2025.
Ayon sa DFA , makatutulong ang SOVFA sa pagpapalalim sa bilateral defense relations ng dalawang bansa.
Mapapatatag din nito ang matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Canada.
Una nang nagdiwang ang Pilipinas at Canada ng kanilang ika-75 years of diplomatic relations nitong nakalipas na taon.
Kaugnay nito ay tiniyak ng Department of Foreign Affairs na lalo pang pagiibayuhin ng kanilang ahensya ang defense capabilities maging ang pakikipag ugnayan ng Pilipinas sa iba pang key defense partner nito.