Kinumpirma ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega ang ulat sa Saudi Arabia, ukol sa isang Pinoy na hinatulan ng kamatayan, kamakailan.
Ayon kay De Vega, kasong pagpatay ang kinaharap ng ating kababayan nang mapaslang nito ang isang Saudi national.
Giit ng DFA, ibinigay ng gobyerno ang lahat ng tulong para maipagtanggol sana ang nasabing Pinoy, ngunit naging mabigat ang ebidensya kaya bitay ang ipinataw na hatol.
Tumanggi na ang opisyal na ilahad ang iba pang impormasyon ukol sa nasabing issue, bilang respeto sa kahilingan ng pamilya nito sa Pilipinas.
Samantala, patuloy namang inaalalayan ng DFA ang iba pang Pilipino sa Saudi at mga bansang mayroong Pinoy na nasa death row.
Sinasagot umano ng pamahalaan ang legal services para sa mga ito, upang matiyak na naidedepensa sila sa mga kinakaharap nilang asunto.