-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Filipino ang nasawi sa naganap na pagsabog sa isang restaurant sa Sheikh Rashid Bin Seed Road sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the UAE Hjayceelyn Quintana, na nakipag-ugnayan na sila mga kaanak ng mga biktima at ipinarating na nila ang kanilang pagdadalamhati.
Tiniyak din nito ang tulong na matatangap ng mga nasawing biktima.
Kiniala ang biktimang si Meeriner Bartoces habang nangangalap pa si Quinatan ng ibang mga detalye sa pagkakakilanlan ng isang biktima.
Isang kahera sa nasabing restaurant si Merriner.
Magugunitang sumabog nitong Lunes ang nasabing restaurant na mula umano sa nagleak na gas.