-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang 11 mga Pinoy na sakay ng bulk carrier noong Huwebes.

Sa isang statement ay sinabi ng DFA na ang Philippine Embassy sa Ankara at ang Philippine Consulate General sa Istanbul ay kasalukuyan nang nakikipagtulungan sa Yasa Holding, ang Turkish owner ng naturang barko.

Batay sa ulat, ang Turkish General Directorate of Maritime Affairs ay sinabiong ang barko ay natamaan nanag simulan ng Rissua ang pag-atake nito sa eastern European nation.

Makikita sa mga ulat ng Marshall Islands Maritime Administrator na ang malaking pinsalang tinamo sa deck at bridge area ng barko ay marahil dahil sa isang projectile.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa kanilang mga pamilya ang nasabing mga Pinoy na nakaligtas sa naturang insidente.

Samantala, napaulat naman na tinamaan ng rocket sa Ukraine sa Black Sea ang Japanese-owned cargo ship na Namura Queen na naging dahilan naman ng pagkasugat ng isa sa 20 Filipino crew.