-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong araw, Enero 22, na ‘walang hawak na passport si self-confessed hitman Edgar Matobato kaugnay ito ng mga ulat na nakalabas na umano ito ng bansa.

Sinabi pa ng ahensya na kung totoong nakapag apply si Matobato ng passport ay agad nila itong malalaman sa kanilang system at agad ding hindi pahihintulutan na kumuha ng Philippine passport.

Ayon pa sa DFA na ang imbestigasyon ay kanila nang ipinasa sa mga awtoridad para sa mas maigiang imberstigasyon.

Nababatid na ang mga alalahanin ay nangyari ng iulat ng isang sikat na news agency noong isang linggo ang detalye kung paano umano nakatakas o nakalabas ng bansa si Matobato sa Pilipinas kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.

Si Matobato ay ‘pitong taon nang nagtatago simula noong 2017 kung saan ay may kinahaharap na kasong kidnapping case noong 2002.

Inuugnay rin ito sa umano’y dating miyembro ng death squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.