Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang kalagayan ng mga Pilipinong apektado ng Magnitude 7.8 na lindol sa Kahramanmaras sa bansang Turkey.
Batay sa datos ng Department of foreign Affairs may 284 na mga Pilipino ang kasalukuyang nakabase sa 11 lalawigang pinakamatinding naapektuhan ng lindol sa Turkiye.
Ayon kay Department of Foreign affairs Spokesperson Teresita Daza, bukod pa iyan sa may 60 Pilipino na nakabase naman ngayon sa may apat na lalawigan sa Syria na apektado rin ng pagyanig.
Kaugnay nito, ini-ulat naman sa Department of foreign affairs ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus na walang Pilipinong nasaktan sa mga lugar ng Aleppo, Hama at Latakia sa Syria na niyanig din ng malakas na lindol.
Batay naman sa pinakahuling ulat, pumalo na sa mahigit 4,000 ang nasawi sa lindol na yumanig sa Turkiye at Syria habang nakaranas din ito ng mahigit 100 aftershocks.