-- Advertisements --
image 505

Tiniyak ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas paiigtingin pa ng kanilang tanggapan ang seguridad ng mga overseas Filipino workers (OFWs)sa ibang bansa.

Kasunod na rin ito ng pagkakasagip ng ilang mga Pinoy workers sa ibang bansa na biktima ng sindikato ng online scam.

Una rito, nakabalik na sa bansa ang walong overseas Filipino workers mula sa bansang Cambodia na napabilang online scam syndicate sa naturang bansa.

Ang naturang mga overseas Filipino workers ay na-rescue mula sa pagkakahuli ng kanilang grupo sa isang operasyon ng Cambodian police.

Ayon naman kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose De Vega, mabibigyan ang mga naturang OFWs ng welfare assistance.

Kabilang na rito ang paglilinis ng kanilang mga pangalan matapos masangkot sa naturang scam.

Kasabay nito, muling nagpaalala ang Department of Foreign Affairs sa publiko na tanging sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) lamang maghanap ng trabaho sa ibayong dagat at sa mga accredited at lisensiyadong recruitment agencies upang hindi mabikitma ng human trafficking.