-- Advertisements --

Aabot na sa 83 diplomatic protests ang inihain ng Pilipinas laban sa China mula ng maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Strategic Communication and Research Executive Director Ivy Banzon-Abalos, hindi sila hihinto hanggang patuloy ang presensiya ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Sa pinakahuli ay naghain sila sa pamamagitan ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr dahil umano sa presensiya ng 287 na mga Chinese maritime militia vessels sa karagatan ng Kalayaan group of islands.

Unang nakita ng Pilipinas ang maraming mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef noong Marso kaya ito ang dahilan ng paghain nila ng diplomatic protest.