-- Advertisements --
Mahigit 1,000 mga Filipino at karamihan ay mga babae ang nagtungo sa Philippine Embassy sa Beirut, Lebanon para makakuha ng libreng mass repatriation na nakatakda sa Pebrero 2020.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sa pamamagitan ng gobyerno ng Pilipinas ay tinugunan nila ang kahilingan ng maraming manggagawang Pinoy Lebanon.
Karamihan sa mga dito ay mga kababaihan na nag-overstaying habang ang iba ay nawalan na ng trabaho.
Paglilinaw ng DFA na pag-aaralang munang mabuti ng Lebanese immigration office ang mga application form.